“If you just tried and took me by the hand, we would’ve been happy in love.”
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
December 2009
January 2010
February 2010
March 2010
April 2010
May 2010
June 2010
July 2010
August 2010
September 2010
October 2010
November 2010
December 2010
May 2011
disaster
Saturday, October 16, 2010 || Saturday, October 16, 2010
Para sa akin...
LOVE HAS NO LIMITATIONS.
LOVE IS SACRIFICE.
LOVE IS UNCONDITIONAL.
Kung ang gusto niya ay oras, bigyan mo. Kung gusto niya space, bigyan mo. Kung hindi na niya kaya, hayaan mo. Kung hindi niya na gusto, wag nang ipilit pa. Kasi, kung totoong mahal mo siya, kahit masakit magpaalam...iiwan mo siya kung ang pagsasama niyo ay nakakasakit na sa inyong dalawa.
Pero ang sakit parin talaga ee. Kahit ilang araw ang dadaan, siya parin kasi. Siya parin yung gusto ko'ng makasama. Siya parin yung gusto ko'ng mahagkan. Siya parin gusto ko'ng mahalin. Siya parin talaga kahit anong sabihin ng utak ko.
Kahit sabihin ko pa'ng hindi na ako iiyak, luluha parin ako. At ang sakit isipin, na hindi talaga kami para sa isa't-isa. Pero hindi ko din mapigilan sarili ko, nag-eexpect parin hanggang ngayon. Tumatawa kahit hindi gusto. Ngumingiti kahit ang hirap gawin.
Hindi magiging madaling kalimutan siya...o di kayay hindi ko talaga siya makakalimutan. Makakahanap ako ng iba, oo. Yung papalit sa pwesto niya. Yung taong nandyan sa oras na kailangan ko ng masasandalan. Yung taong magpapasaya sa akin sa oras na kailangan ko nang ngumiti. Yung taong mas makaka-appreciate sa akin. Yung taong matatanggap kung ano ako. Yung taong hahabulin ako pag aalis ako. At yung taong hindi ako kayang pakawalan. At sana siya rin ay mahalin ko. Pero kahit yun pa ang dumating, masasaktan ko din siya. Dahil sa totoo lang? Hindi sila ang gusto ko kundi SIYA.
Siya parin. Siya palagi. Siya lang talaga.